FAQ

  • Q
    Tungkol sa card (Introduksyon)

    Ano ang Nexus Global Card?

    A

    Ang Nexus Global Card ay isang credit card para lamang sa mga dayuhan na naninirahan (residente) ng Japan na pinadali ang pag miyembro dahil sa suporta na binibigay namin para sa iba’t-ibang lenguahe. Ito ay bagong uri ng credit card na kung saan tatanggapin namin ang inyong deposito at ang halaga nito ay ang magiging credit limit ninyo.

  • Q
    Tungkol sa card (Introduksyon)

    Paano ninyo tatanggapin at isasauli ang dineposito?

    A

    Nakapaloob sa enclosed envelope kasama ng card ang transfer payment slip, mangyari lamang na ito ay gamitin para gawin ang security deposit.
    Itong deposito ay ibabalik namin sa inyong bank account kapag tumiwalag kayo sa Nexus Global Card dahil uuwi na kayo sa bansa ninyo atbp.

  • Q
    Tungkol sa card (Introduksyon)

    Ano ang hoshokin (deposito)?

    A

    Ito ang pera na pinapanatili namin bilang collateral upang madagdagan ang credit ng customer. Ang isang security deposit ay hindi magagamit para sa pagbabayad. Ang halaga na ginamit ay binabayaran sa susunod na buwan at dapat bayaran sa isang bagay maliban sa deposito. Bilang karagdagan, ang halaga ng deposito at ang halaga ng credit na magagamit sa card ay pareho.

  • Q
    Tungkol sa card (Introduksyon)

    Ano ang pagkakaiba nito sa prepaid card o debit card?

    A

    ■ Ang Nexus Global Card ay isang credit card.
    Ang pagbayad sa halaga na pinaggamitan ng card ay tuwing ika-6 na araw bawat buwan (postpaid). (Hindi maaring gamitin ang inyong deposito upang bayaran ang halaga na ginamitan ng card.) Para sa mga malalaking halaga na pamili, maaari kayo gumamit ng riboharai (revolving payment). Maari din ninyo gamitin bilang pambayad sa pampublikong serbisyo (tubig, koryente atbp), pambayad ng serbisyo ng cellphone, pambayad ng seguro/insurance, sa paggamit ng internet atbp.
    *Ipagpaumanhin ninyo maaring may serbisyo na di mababayaran gamit ng card.

    ■ Ang prepaid card ay maaring gamitin ang pinasok na pera dito ngunit kapag bumaba ang balanse nito kailangang lagyan ulit ng pera upang magamit.

    ■ Ang debit card ay ginagamit ang balanse na nakadeposito sa bank account ninyo ngunit kapag bumaba na ang balanse kailangang magdeposito muli upang magamit.

  • Q
    Paano maging miyembro

    Anu-ano ang mga kailangan na dokumento upang makapag-apply?

    A

    Ito ang dalawang dokumento na kinakailangan: Residence Card (kasama ang special permanent resident certificate) at Certificate of Residence (kung saan na-issue sa loob ng tatlong buwan).
    ※Ang mga Permanent residents ay hindi na kinakailangan magpasa ng Certificate of Residence.

  • Q
    Paano maging miyembro

    Ano ang kailangan upang maka-apply?

    A

    Maari naming tanggapin ang aplikasyon ng sinuman 18 anyos pataas sa panahon ng aplikasyon, may regular na mapagkikitaan. Ang mga wala pang 18 anyos ay nangangailangan ng pahintulot ng sinong may karapatan bilang kanilang magulang.

  • Q
    Paano maging miyembro

    Kailan dadating ang card ko?

    A

    Kapag naaprubahan ang inyong aplikasyon matapos dumaan sa takdang pagsusuri ng aming kumpanya, ipapadala ang inyong card sa pamamagitan ng koreo, na kayo lamang ang makakatanggap o sa pamamagitan ng pagkumpirma ng kumpanya namin sa taong tatanggap ng card.
    Sa sandali ng pagtanggap ninyo ng card, kailangan ninyo iprisinta ang inyong residence card (zairyu kaado).

  • Q
    Paano maging miyembro

    Ano dapat gawin kapag ang address sa ID ay magkaiba sa kasalukuyang address ng tinitirhan ko?

    A

    Humiling sa kinauukulang munisipyo na baguhin ang inyong address bago kayo mag-apply para sa globalcard.

  • Q
    Paano maging miyembro

    Paano makumpirma ang expiration date ng card?

    A

    Nakalagay sa card ninyo. Mangyari lamang pakitingnan na lang.

  • Q
    Paano maging miyembro

    Paano ko gagawin ang security deposit?

    A

    Nakapaloob sa enclosed envelope kasama ng card ang transfer payment slip, mangyari lamang na ito ay gamitin para gawin ang security deposit. 

1
2
3