FAQ

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Hindi malipat ang halaga mula sa bank account ko dahil kulang ang balanse.

    A

    Magpapadala kami ng hiling na magpasok kayo ng pera sa bank account ninyo. Pagkatapos makumpirma namin mangyari lamang itransfer na ang inyong bayad.

  • Q
    Pagtiwalag (paghinto bilang miyembro)

    Paano tumiwalag sa pagiging miyembro?

    A

    Upang tumiwalag sa globalcard, mangyari lamang ang may-ari mismo ng card ay ipaalam sa aming kumpanya.

  • Q
    Pagtiwalag (paghinto bilang miyembro)

    Mayroon pa akong natitirang balanse. Pwede pa ba rin akong tumiwalag sa pagiging miyembro?

    A

    Maari kayong makatiwalag sa pagiging miyembro. Bukod dito, kapag may natitira pang balanse na magagamit sa card, isasauli namin ang buong halaga.

  • Q
    Pagtiwalag (paghinto bilang miyembro)

    Ano mangyayari sa naideposito ko kapag tumiwalag ako sa pagiging miyembro?

    A

    Pagkatapos kayong tumiwalag, ikukumpirma namin na hindi na nagamit ang card at saka lamang isasauli namin ang deposito ninyo sa bank account na inyong inirehistro sa inyong aplikasyon.

  • Q
    Pagtiwalag (paghinto bilang miyembro)

    Ibabalik ba ang annual fee na nabayad ko kapag tumiwalag ako sa pagiging miyembro?

    A

    Hindi namin isasauli.

  • Q
    Pagtiwalag (paghinto bilang miyembro)

    Pakipaliwanag ang detalye ng pagbalik ng deposito.

    A

    Kapag tumiwalag kayo sa pagiging miyembro, ipapadala namin sa inyo ang mga dokumento kung saan nakasaad ang bank account ninyo kung saan isasauli namin ang inyong deposito.
    Kasabay ng mga dokumento, matapos namin makumpirmahin na naibalik na sa amin ang card ninyo, ibabalik namin ang halaga ng nadeposito ninyo.
    Bukod nito, bilang patakaran, ibabalik namin sa bank account ninyo sa isang bangko na nasa loob ng Japan.
    Kapag wala kayong account sa bangko na nasa loob ng Japan, mangyari lamang makipagkonsulta sa aming kumpanya.

  • Q
    Kapag may Problema

    Kapag nawala o nanakaw ang card ko, ano dapat kong gawin?

    A

    Mangyari lamang ireport sa amin kaagad ang pagkawala o pagkanakaw ng card. Upang hindi magamit ito ng ibang tao kailangan ikansela ang card. Bukod dito, magsumbong sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.

  • Q
    Kapag may Problema

    Nagkaka-error ang PIN number ko. Di ko na magamit ang card.

    A

    Mangyari lamang idirekta ang inyong tanong sa aming kumpanya.

  • Q
    Kapag may Problema

    Nawala ko ang bill ko at hindi ko na alam magkano ang babayarin ko. Ano dapat kong gawin?

    A

    Mangyari lamang idirekta ang inyong tanong sa aming kumpanya.

  • Q
    Kapag may Problema

    Nahanap ko ang card na naireport ko na nawawala. Maari ko bang ipagpatuloy gamitin ang card na ito?

    A

    Sa oras na maipaalam ninyo sa amin tungkol sa pagwala ng card ninyo, hindi na ito magagamit. Sa sandali na mahiwalay sa kamay ninyo ang card ninyo, may panganib na ito ay nagamit sa masamang paraan. Dahil dito papalitan namin ang numero ng card ninyo bago maka-isyu kami ng panibago para sa inyo.

4
5
6
7
8