FAQ

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Nakalagay na isang bayaran. Pwede ba gawing riboharai/revolving payment ito?

    A

    Maari naming mapalitan. Subalit, kapag gagawing riboharai o revolving payment, may kaakibat na fee o singil.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Dumating ang bill na ginamit ang card para sa isang bayaran lamang. Magagawa bang riboharai bago ang due date/petsa na kailangan ko itong bayaran?

    A

    Mangyari lamang mag-apply para sa riboharai o revolving payment kailanman mula sa araw na nabili ninyo hanggang sa susunod na ika-15 ng buwan.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    May paraan ba na liitan pa ang halaga na kailangang bayarin bawat buwan para sa riboharai/revolving payment?

    A

    Ang halaga ng babayarin ay magkatugma sa natitira pang balanse na magagamit sa card.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Kapag may extra akong pera, pwede bang lakihan ang bayad ko?

    A

    Mangyari lamang idirekta ang inyong tanong sa aming kumpanya.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Kapag nahuli ako sa pagtransfer ng pambayad mula sa bangko, may parusa/babayarin ba sa pagiging late?

    A

    Para sa nagbabayad ng isang bayaran, ang halaga ng parusa ay ang 14.6% na taunang interes ng babayarin ninyo.
    Para sa mga hindi nagbabayad ng isang bayaran, ang singil ay ang 14.6% na taunang interes ng natitirang babayarin ninyo o ang annual interes na takda ng batas para sa bagay na pangkalakalan (statutory rate of interest) o anumang mas mababa sa dalawa.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Kailan dapat ihanda ang halaga ililipat mula sa bank account?

    A

    Mangyari lamang ihanda ang halaga na kukunin mula sa bank account ninyo isang araw bago ito kukunin bilang bayad. Para sa karagdagang detalye mangyari lamang idirekta ang inyong tanong sa bangko ng bank account ninyo na gagamitin sa pagbayad.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    May dumating na bill na di ko maalala. (naka-attach)

    A

    Mangyari lamang idirekta ang inyong tanong sa aming kumpanya.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Gusto ko sanang babaan ang balanse ng deposito ko.

    A

    Mangyari lamang konsultahin ninyo ang aming kumpanya.

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Gusto ko sanang lakihan ang balanse ng deposito ko.

    A

    Tataas ang halaga ng balanse matapos makumpirma namin ang pagpasok ng pera ninyo sa deposito (hoshokin).

  • Q
    Pagsauli ng deposito

    Gusto ko sanang bayaran ang ginamit ko sa card, gamit ang deposito ko.

    A

    Hindi pwede gamitin ang inyong deposito sa pagbayad.

3
4
5
6
7